Sunday, June 05, 2005
Ang Munti Kong Pangarap (Part II)...

          Libre ang mangarap. O ayan, ipinagpauna ko na ha. Baka kasi awayin mo ako…baka sabihin mo kasi, andame ko namang pangarap sa buhay. E ganun talaga..wala naman limitasyon ang pangangarap e. Kaya wak na ikaw magcomment kung aawayin mo lang din ako. Ahihi.

Pangarap. Hmmm... (bling! an idea came to mind..) Ano kaya kung lagyan ko ito ng presyo at sabihing ang hindi magbayad ay hahatulan ng bitay? Yayaman sigurado ako ano? Hehe. Mukhang ok yun a. Pero syempre hindi ko gagawin yun. Ayokong magkaron ng kaaway. Kakalbuhin at pagbitin ng patiwarik habang ipinapakagat sa napakaraming mga langgam lang naman ang naghihintay sa akin...Kaya hindi ko na gagawin. Pangarap na nga lang, aagawin ko pa diba?

So ayun nga.. may pangarap ako (ulet). Gusto ko kasi magkaron ng maraming maraming Converse-Chuck Taylors (high cut). Iba-ibang kulay para ipa-partner ko sa top na suot ko o kaya naman sa bag na dala ko. Ansaya nun diba?


Gusto ko bumili, as in now na, kaso nde naman kame mayaman e. Ordinaryong mamamayan lang ako…(ehem…sa ngayun lang..after 2 or 3 yrs, sosyal na!). Kaya ngayun, kawawa naman ako..kawawa si Rf..

 Haaay…ako ay nananawagan sa mga elemento na nasa hangin at sa lahat ng mga particles na naninirahan sa tubig… dalhin nyo sana ang mensaheng ito sa mga taga-converse (managers, marketing executives at kung suswertehin, sa CEO nila) para bigyan nila ako ng pairS of sneakers para naman magkaron ng kulay ang aking mundo.

Gaya nga ng sabe ko..libre naman mangarap..pero ipinagbabawal ko ang pangaraping hindi magkatotoo ang pangarap ko.


rfyuna flapped her wings at 12:11 am
(8) rain drops  

Saturday, June 04, 2005
Ang Munti Kong Pangarap...

            Ako ay may munting pangarap. Syempre gusto ko itong matupad…

 

Gusto kong magkaron ng personal copy ng 17 novels ni Sydney Sheldon…at kung suswertihin pa, idagdag na ang mga libro ni Paulo Coelho. At kung madodoble ang aking luck, pati na rin ang 4 books ni Dan Brown. For short…gusto ko ng maraming libro!!!

           

            Marami naman akong mga kaibigan…kung ang bawat isa ay magbibigay ng regalo sa birthday ko…(malapit na yun…sa June 14 po!!!)…e di magkakaroon ako ng maraming-maraming libro! Hindi naman po ako nagpaparinig, sinasabi ko lang ang aking munting pangarap. At nawa ito ay matupad...

rfyuna flapped her wings at 02:30 pm
(1) rain drop  

Friday, June 03, 2005
Paa, Tuhod, Balikat, Ulo.

            It has been days since my last entry here…pero wala ako pakelam. Tinatamad ako gumawa ng entry e…wala kayu magagawa.

            Marami na ang mga nangyari sa akin…at ayoku na isa-isahin pa yun…dahil baka kapag kinuwento ko, hindi na matapos ang entry na ito at baka kailanganin ko pa ng panibagong blog-account para malaman nyo ang mga nilalaman ng aking utak. So, para masaya na lang…i-sa-sumarize ko na para hindi naman ganun kaboring ang entry na ito.


 

            Paa, tuhod, balikat, ulo. (ulitin 2x)
            Magpalakpakan tayo..

 

   Parang yung kanta lang ang buhay ko ngayun… ulitin ng ulitin ang linya tapos magpalakpakan sa huli. Paulit-ulit…paikot-ikot…pero, TULOY pa rin ANG BUHAY.

 

            Ayun. Yun na yun. Ang bakasyon ko ay ganito pa rin…hindi ko naman malagyan ng spice, pero ok lang… tuloy pang buhay. Enrolled na nga pala ko. Pasukan na sa June13, kahit tinatamad pa ko na buklatin ulet ang mga accounting books, wala akong magagawa e..tuloy ang buhay. Tuloy ang buhay. Tama.

            Yun lang, wala na ko masabi. Next time..i’ll try to make some substantial entries. Para naman may mapala ang bansang Pilipinas saken.


rfyuna flapped her wings at 11:09 pm
(1) rain drop  

Sunday, May 22, 2005
Rf’s Haven

            Kapag ako ay nalulunkot, o kaya naman ay walang magawa…nagbabasa ako ng libro. Ang problema nga lang, hindi naman kame mayaman para magkaron at makabili ng maraming-maraming libro o kaya magazines at kung ano-ano pa (which are of my interests), para ilagay sa aming mini-library. (Aba sosyal! Mini library daw?! -- Hindi naman po malaki yun, konti nga lang mga libro dun e. Puro textbooks pa naming magkakapatid nung high school at college) Marami pa akong gustong ilagay dun para mas masaya ang buhay ko.

            Ngunit sa kabila ng pagkalungkot kong ito… masaya na rin ako. Coz I discovered this cozy place…where I could read…for free! Yeah. Libre na, comfortable ka pa. Hindi naman po iyun public library…actually it’s a bookstore. Ang nakakatuwa nga lang sa lugar na ito, may MGA libro para makapagbasa ang mga tao. Sa bawat piles ng mga libro, may open na isa or dalawa, intended for public reading. Hindi kagaya ng ibang madadamot na bookstores sa paligid…na bawal buklatin yung reading material at ang masakit pa, yung likod at title sa harap lang talaga yung maaari nating basahin dahil pag binusisi mo pa, kakagatin ka na ng saleslady na nakatingin sa iyo. Hahay talaga naman!

Sa place na ‘to, may maraming upuan at tables. Tahimik ang paligid at nagpapatugtog pa sila ng soft music for customers’ easy reading. Meron ding specific na lugar para sa mga bata. May story-telling din yata every weekends para mag-enjoy sa pakikinig ang mga kabataan. Mukha din namang mababait ang mga employees at mukhang kilala na rin ako ng security guard dun. Ang saya talaga dito.

Pag nag-go-grocery si mommy, sasabit syempre ako sa adventure nya. Habang namimili siya sa supermarket, punta na ko sa lugar na ’to. Tapos ayun, 1-3 hrs na ko dun. Mag-iikot, hahanap ng magandang pwesto at tsaka magbabasa. Haai…sarap ng libre. (Baka naman sabihin mo na inaabuso ko ang marketing strategy ng bookstore na ito. Excuse me po…marami na rin akong binili na books at magazines dito…pati coloring book pa! Hehe.)

Thrilled ka na kung saang place yung sinasabi ko ano?! Sasabihin ko ba? (kamot sa ulo) Hmmm…(kinamot naman ang baba) Baka kasi sumugod ka sa lugar na yun e. At isumbong mo pa ako sa teller…na ilang libro na ang natapos kong basahin sa kakatambay sa lugar na yun. Hehe.

Pero dahil mabait ako…I’ll tell it na. Go to my self-found haven… Go to Power Books – Ayala Alabang Town Center Branch) Masaya dun. Enjoy Reading!

rfyuna flapped her wings at 11:21 pm
(2) rain drops  

Friday, May 20, 2005
Isang Usapin na Kailangan ng Agarang Solusyon

            Sabi ni mommy ko…ang aking personal critic since birth…na mukha daw akong bruha. Hindi daw ako mukhang 18-year-old na anak niya, kasi mas muka pa daw akong matanda sa panganay kong kapatid.

Medyo nakaka-degrade ang mga sinabi nya sakin kanina…pero hindi ko naman makuhang magalit, kasi alam ko na ang ilan sa mga sinasabi niya ay makakatulong sakin. Actually, mas sosyal pa nga nanay ko sakin e. Hindi-hinding yan aalis ng bahay na hindi naka-make-up at naka-ayos ang buhok. Kahit nga maglalaba lang kame, nakablush-on pa sya! Kikay talaga na maituturing, andami nyang accesories at mga abubot na isinasabit sa katawan para magmukha daw syang mas maganda. Binibilhan pa nga ako ng mga quite revealing dresses…halter and tank tops! (Pero syempre, hindi ako madalas magsuot ng ganun, hindi ako comfortable e.) Oo…mas maarte sya kesa aming magkakapatid!!! Pero kahit ganyan siya, natutuwa naman ako sa kanya. Bagets na bagets talaga!

            Ayun nga, sabi nya kanina, mukha daw akong mas matanda sa edad ko. Yung buhok ko daw kasi, mahaba na. Magpagupit na daw ako ng maiksi…as in short hair!!! Para mas cute ako at mas presko dahil summer ngayun.

            Magpapagupit ba ko? E gusto ko talaga na mahaba buhok ko e. Tsaka sabi ni ad dati, na mas bagay daw sakin mahaba buhok - na nasa gitna un hati. Haaai…ano bang gagawin ko? Sayang naman yung matagal kong pagpapahaba ng buhok…tapos bigla kong ipapagupit. Hindi pa naman siguro ako mukhang halimaw na nangangain ng mga batang makukulit na hindi natutulog sa hapon, ano? Hindi pa naman siguro…ni-exaggerate lang talaga ni mommy ang kwento.

Ano? Wag kaya muna ako magpagupit? Or susugod na ko sa parlor at ipapatabas ang aking hairna to (habang hinihimas-himas ang buhok at inamoy-amo pa)?

Hmmm… Isip. Isip… Ay…hindi na lang.. Lagi na lang ako mag-aayus at mag-po-ponytail para hindi na apihin. Hehe. I’ll keep my hair this way...

rfyuna flapped her wings at 01:50 pm
(3) rain drops  

Thursday, May 19, 2005
Ako ay May Nakahahawang Sakit…

          Ako ay may nakahahawang sakit…

 

 

 

Oo.

 

 

 

Natakot ka naman?! OA ka alam mo yun? Kunsabagay, niexaggerate ko naman ng konti. Peace na po...

May sakit daw kasi ako na kakahawa sabi ni mommy. Ewan ko dun, nanahimik lang naman ako, tapos sinabi na lang nya yun bigla. Gusto kong magtampo kaso kumurot sa aking puso ang katotohanan.

E pano ba naman, nakahiga lang naman ako kaninang hapon (well actually, lage akong ganito)…nakatutok ang electric fan sakin (hmmm…kaya siguro mataas ang electric bill naming ngayung buwan)…nagbabasa ng libro (normal na yun)…habang kumakain (obvious ba? Ramonah is actually spelled as e-a-t-e-r)…

Waaaaah! Nakakahawa daw ang itsura ko. Pati siya…gumaya na sakin. Tumabi pa si mumi doodle ko…at nakikain sa aking pagkain. Tinatamad na rin daw siya kasi mukha akong nakakatamad na nilalang. Oo. Tamad daw ako. Tamad. Tamad. TAMAD!

Kunsabagay…hindi na kailangan pa ang opinion ng isang doctor para sa aking kalagayan ngayun. Ang gusto ko lang naman gawin sa pagkakataong ito ay ang ipaliwanag ang aking kalagayan. Kasalanan ba ang humiga…humiga…at humiga, habang nakatutok ang malamig na simoy ng hangin na dulot ng isang device na tinatawag nating electric fan? At masama bang lasapin ang tsistsirya na nabibili sa tindahan at uminom ng malamig na pampanawid uhaw? Oh my gulay!

Mabuti na po yun ganito, kesa naman lumabas ako ng tanghaling tapat at magpainit sa sikat ng araw. Ayoko nga nun…nakakatamad. Mas magiging maayus ang buhay ko kaysa naman gumalaw ng gumalaw at magkunwari na ako ay may ginagawang importanteng bagay. Ayoko nga nun…nakakatamad. Haaai… Tamad ba talaga ko?

Pero alam ko na hindi naman talaga dapat akong ganito. Hindi ako uunlad kung hihiga na lang ako lage dahil kinaiinisan ko ang pinagpapawisan at kinatatamaran ko ang paggalaw. Mabait naman po akong tao, hindi ako gumagawa ng anumang masasamang gawain...unless crime na ang pagiging tamad. Napagtanto ko, na ang aking aksyon ay bunga lamang ng kundinsyon ng ating klima. Summer ngayon. Mainit…at nakakatamad talaga ang gumalaw.

Akala mo lang na masyadong mababaw ang entry na ito. Mayroon itong social at political relevance. Ang taong may bukal na puso at bukas na isip lamang ang makakakita ng nais kong iparating. At nawa maitanim ko sa iyong puso at damdamin ang mensahe na nais kong ipahiwatig sa inyung lahat…

 

Ako ay may nakahahawang sakit. Anong gagawin mo?


rfyuna flapped her wings at 11:20 pm
(1) rain drop  

Wednesday, May 18, 2005
May Bago Akong Love...si Kenshin!

            As usual...wala na namang kakaibang pangyayari sa buhay ko ngayun. Past 12pm na ko bumangon sa higaan. Inom lang ng coffee den ginawa na ang aking mga obligasyon sa aming tahanan. Naglinis ng bahay...naglinis at naglinis pa. Pagkatapos ay kumain na ng agahan/tanghalain. Di ko gusto ulam ko pero wala naman ako magawa, dahil ayoko rin naman lumabas (sobrang init kaya!)para bumili dahil wala si mommy dito.

kenshin and kaouri

            Nanuod ako ng tv...samurai x na kasi. ang saya talaga...7 episodes per day (mon, wed and fri sa channel23)!!! O san ka pa?! ansaya talaga. Buti naisipan ulit ipalabas 'to...kasi hindi ko pa talaga napanuod 'to dati. Hindi ko kasi naabutan galing school..ngayun lang talga. Nyahaha. Ansaya ko. No wonder marami ang nahumaling at nabaliw sa mga adventures ni battousai. E kasi naman pow...angaling ng plot, angcute ng mga chracters, astig ang setting at makabuluhan ang script. A work of art kumbaga.
            Napansin nyo yung title? Sobrang drama ko lang sa last entry ko a..tapos ngayun, sabi ko na, "May bago akong love." Love? Anu bang word yan..anhirap paikutin?! Angulong intindihin...pag itinago mo, ikaw ang maguguluhan..pag pinaglaban mo, ikw pa rin ang mahihirapan. Wala ka na magagawa pag pumasok na yan sa system ng katawan mo..kakainin ka nyan ng buong-buo..lulunurin ka hanggang sa hindi ka na makakawala. At pagkatapos, hindi mo na yan kaya control-in hanggang sa wala ka na magagawa. Pero kahit anung sakit ang ibigay sau ng "pag-ibig" na yan...babalik-balikan mo pa rin ang pakiramdan na yan...dahil ang magmahal at mahalin ay ang pinakamasayang damdamin na mararamdaman ng isang tao sa buhay nya...
            At ngayun..balik na tayu sa diskusyon kanina..ang tungkol kay kenshin (kumurap-kurap ang mga mata, kinikilig pa!)...tama na ang pagiging senti..bawal muna ang emosyon na yan. Angaling nya talaga! May bago na akong idol. Nyehehe. Ambilis ko magpalit ng emosyon ano?! Syempre ganun talaga...para pagtakpan ang kalungkutan, kailangan humanap ng ibang mapagkakaabalahan...gaya ang pagiging addict ngayun kay kenshin. Nasisiraan na ata talaga ako ng bait. Kanina pa nga ako nagssurf tungkol sa kanya e. Actually, dating dati ko pa memorized yung sobakasu, opening song sa samurai x..pero di ko pa napanuod.
            Ayun nga..napagmuni-muni ko na mukhang bagay sila kenshin at yuna. Honga, bagay sila! Di ba? Di ba? DI BA?!! Ehehe. Since hindi naman ngkatuluyan sila yuna at tidus sa final fantasy X and X-2, hihiramin ko muna si kenshin sa ka-love affair nya na si kaouri. Hindi naman siguro ako aawayin ng mga creators ng final fantasy at samurai x, ano? Kunsabagay, Hapeeetz si Kenshin tapos astig naman si yuna...so, ok lang. Hmm...Anu kaya magiging anak nila? Hmmm...siguro ubod ito ng kagalingan at kagandahan...parang ako! Wahaha!!!

      kenshin himura
+yuna=Rf!!!
            Naintindihan mo ba mga pinagsasabi ko? Aynakuh...di ko maiayus ang aking thoughts..kahit ako naguguluhan. My brain cells are not working properly...they are pretty occupied with something else. haaaii...

rfyuna flapped her wings at 08:52 pm
(1) rain drop  

Saturday, May 14, 2005
Two Hearts Cried...

"The people thet we met and the dreams that have faded..never ever forget them."-Yuna

            May14. It has been a year. We could have been celebrating today. But as you see, things have gone a little twisted...things are not the same way for us now.
            I woke up today, with tearstains to my pillow. (Well…it is already a common scene here.) Ayun…tuloy ang buhay. Nagpatugtog ako ng malakas…at kumanta para sumaya kahit kaunti. Lumipas yung oras na halos wala ako masyadong nagawa.

            Nung hapon na, sinamahan ko yung pinsan ko, si Katie (she slept here in our house) para kunin yung contact lens ng ate nya sa Paranaque Med. After naming pumunta dun, tinanong ko sya kung pede nya akong samahan sa isang lugar. Kahit saglit lang sana, may gusto lang kasi akong balikan. I had planned this since last month. E andito naman sya, magpapasama na sana ako. She said yes (she knew my story about him).

            We were on our way to ‘the place’, it was about 5:55pm in my clock, when I saw Adrian’s text. He said he was on the same spot where our relationship started a year ago. I got really shocked and even cried in the vehicle! At nung bumaba na kami, nakita ni Kat si Adrian na nakaupo sa may waiting shed malapit sa exit ng Manila Memorial Park. He was wearing his jag-yellow polo shirt, khaki pants, with his favorite slip-ons and was reading a book.

I felt so stupid that time…because I did not see him…everything was blurred. I was not wearing my eyeglasses. Another thing, we were on the other side of the street, it was really impossible for me to see him clearly. I recognized him…alam kong sya nga yun…pero hindi ko talaga nakita ang mukha nya. Sayang. Antanga ko talaga. Sayang...

Umakyat kami sa over pass para sana tumawid…but we only stayed there. I watched him as he sat there…I cried as he stayed there.. I needed physical support but my knees refused to help me…my body ached as my heart long for that guy sitting on the bench. Iyak talaga ako ng iyak. Nakakahiya dahil maraming nakakita…baka nga akala nila mgsu-suicide ako. Nanlalamig daw ako sabi ni Kat. Halos hindi ako makatayo ng maayos dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Im glad I asked her to go with me. Thank heavens.

The sky was beautiful…the sun was wonderfully setting. Kat told me to go and approach him. But I cant. I cant let him see me with my eyes so sore. I do not want to make him even more miserable. I cant…I just cant. I have given him so much pain…enough of ad's heartbreaks…he should be happy.

Past 6pm…he left. After seeing him go, we went to the same spot. I sat (cried and reminisced) there. I told Kat the scene that once happened on that very same place. Another 30minutes passed…we finally left.

Well…a sad afternoon it was…we treated ourselves for a dinner. We ate at Figaro-Sucat. After that, we went to Kat's house, then watched 'The Notebook'. Oh my...this movie...beautiful...heartwarming. But it made me jealous of the characters. Ofcourse, another and-they-lived-happily-ever-after ending. Oh my...

And now…I am writing this entry. My emotion is still eating me. Guess I need to sleep now. Need to rest my tired heart. I need to rest. Im tired. I need rest.


rfyuna flapped her wings at 11:37 pm
(3) rain drops  

Im Dead.

            I am dead.


            Dead.


rfyuna flapped her wings at 01:01 am
(2) rain drops  

Friday, May 13, 2005
The Irony of My Introverted Life…

            I live a very boring life. I love sleeping. I don’t like solving puzzles. I really detest working…decision making is my no. 1 enemy. I am, indeed, a spoiler. I don’t move that much. I don’t exercise…coz I am a certified couch potato. I hate any kind of sports and games. I disgust challenges. I don’t have any unique talents to share. I don’t hold any sense of humor in my life. I don’t mingle with others.. Solitude is my best friend.

Despite the facts that I have just given you, my life is always in its extremes. And in the monotony of my existence, I am still prone to accidents. Yes, how very ironic it is…

            My childhood was haunted by bad health. Would you believe, when I was 2yrs old, I had my right eyebrow stitched? And when I was 5…I got lost from a grocery store? Time passed, yet my life has never changed. My adolescent life was and still is, of very terrible state. Many times, I had fallen from stairs, hit by people, stumbled into public places, bumped my head into glass walls, bitten by ants (the big ones) and other harmful insects, dashed into by marching chickens, and worst, burnt my finger coz of a watusi. Even once, my left toenail got fully detached from its flesh. I have also experienced almost being hit (just inches away!) by cars and bicycles. Creepy huh?!

As you see…there were so many ill-fated events that I had experienced…not to mention my other super embarrassing and strikingly painful moments in this brutal world. Tsktsk..

I refuse to be adventurous but things keep on doing the opposite.. But hey! Im one heck of a lucky girl…coz…Im still alive! I am exceedingly blessed. Hmmm…maybe an angel was with me always. Yes…a guardian angel…Tom Cruise is the name. Haha!

 

P.S.

In reality…I am not a boring person. Hyperactive ako. But no matter how hard I tried to break away from accidents…I still am prone to them.

rfyuna flapped her wings at 10:36 am
(4) rain drops  


Next Page


   

Image hosted by Photobucket.com
rf

19. BS Accountancy-PUP Mla. Muntinlupa City, Philippines

Rf… A charming little girl, who makes other people’s lives (ehem…even animals!) a disaster. Yep...I am smart but oftentimes, stupid. I am also a self-declared fashionista, however, act like a crappy celebrity. I am the conservative type but transform into a crazy creature during full moon..

I am an economist and a nature lover, but I do not like obeying government laws. I am a talented woman, with cleverly humorous thoughts, yet most of the times, I just speak of senseless things. I can be your sweet and compassionate friend, well… I can also be your worst nightmare.

I am a package you’ll definitely love (..or hate.. haha!). Hmm.. What more can I say? I'm just a little bit of everything all rolled into one.

New Page 1

rf
abbssinianangel
adrian
ailen
ate apol
ate lex
ana
basilisk
chwis
emankulit
emptyheart
loyd
phoj
tiamy
vhi

~craves!!!~

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

you are my visitor: Free Web Site Counters
Free Web Site Counters

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:
 

<< June 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:
 
rss feed


Graphics by Katalog Anime

BLOGDRIVE
TEMPLATES