Saturday, August 06, 2005
Warmed by Your Embrace

            Muntik na naman akong masagasaan kanina. Kelan ba ako matutuong tumawid?

            Ayun nga...magisa na naman akong umuwi kasi may ibang pinuntahan ung 2 kasabay ko lagi sa paguwi, sila april and ryan *take note: monthsary nila ngayun...sympre, binibigyan ko sila ng panahon. ;)* Habang naglalakad at nagiisip kung paano ko sisimulan ang pagrereview sa nalalapit na exams..nagulat na lang ako nung biglang may malakas na busina sa aking kaliwa. Muntik na naman pala akong masagasaan. Pinagalitan ako ni manang driver ng kotse. Nagsorry ako. Magingat daw ako sa susunod. Nagsorry ako ulit. Pagkatapos, tumuloy na ako sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Habang iniisip kung paano ko na naman naligtasan ang pakikipagsugal kay kamatayan, may biglang pumasok sa isip ko...

            Mahal pa rin kita.

            Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang naglaro sa king isip...sa panahong ganito pa ang sitwasyon! Ang tangi ko lang napatunayan...ang iyung alaala ay kayang magpahupa ng lamig. Siguro nga umaasa pa ako. Siguro nga..

            Muntik na naman akong masagasaan kanina. Kelan ba ako matutuong tumawid? At bigla kang pumasok sa isip ko. Walang duda, mahal
pa rin kita. Pero kailan nga ba ako matututong magisa...?


rfyuna flapped her wings at 08:24 pm
(8) rain drops  

Friday, August 05, 2005
Official Declaration...

            I have been sitting in front of my computer for 7 hours straight! Wtf rf! I have so many school stuffs to do but here i am..reading and clicking..then still reading and clicking. Waaaaaaah!!! Examination date is fast approaching...due of projects is coming.... So now, I officialy declare... CCCRRRRRAAAARAMMMMMM!!!


rfyuna flapped her wings at 07:50 pm
the rain fairy listens...  

A Breath of Fresh Air...

            I made some major changes here...and I think its cute. Uhm..you think so too?


rfyuna flapped her wings at 06:10 pm
(1) rain drop  

Tuesday, August 02, 2005
Buzz!!!

Birthday ngaun ni ate1 aka ate fish .

afee verthdai!

Un lang. Wala akong maitype e. peace;)


rfyuna flapped her wings at 10:00 am
the rain fairy listens...  

Sunday, July 24, 2005
I'm Ready Do-na-tion.. I'm Ready Do-na-tion!

            Kakatawag lang ng pinsan ko, si kuya Jun...at sabi nya, kailangan daw ng pinsan namin, yung kapatid nya, ng dugo. Ooperahan kasi si ate Ronalyn this week, at kailangan nya talaga ng ilang bags ng dugo.
            Sa totoo lang, hindi ko alam ang blood type ko..at lalong hindi ako sure kung qualified ako na magdonate. Basta excited ako..at sobwang natutuwa! Wooooohoooo! Matutupad na rin ang pangarap ko! Yey! Yey! Yey!
            Nagtataka ka siguro kung paano ang magiging sitwasyon, ano? Ganto daw kasi un...kahit hindi compatible ang blood types namin, ang mahalaga makapagbigay kami. Mahal daw kasi masyado kung bibili sa blood bank, kaya i-o-offset or ipapalit yung makukuhang dugo sa amin sa kakailanganin nya. Gets mo ba? Ay basta ganun. Eaaaayaaahoooo!!! Im ready do-na-tion...Im ready do-na-tion.. *Spongebob tune* Nyuknyuknyuk.;)
            Syempre nalulunkot ako kasi may sakit ang pinsan ko...hindi ko gustong nahihirapan sya. Sana makatulong ako kahit papaano. At sana rin, sa mga susunod na araw...magkaron ng strong reason para makapagtanim na ko ng puno.:D


rfyuna flapped her wings at 08:02 pm
(9) rain drops  

Saturday, July 23, 2005
It's Been Awhile..

            Wuhuhu. Halos isang buwan na rin ang nakalipas nung huling magbasa ako ng novel/fiction book. E kasi naman, puro textbooks na lang ang aking kasama at karamay sa magdamag *ehermm..tsaka nga pala blogs ng mga taotao sa paligid.  Nyuknyuknyuk.* Isa pa naman sa mga gusto kong ma-accomplish sa buhay ko ay ang makatapos ng isang libro sa bawat isang araw. Pero sa schedule ko ngayun, mukang napakahirap magawa nito....baka sa sembreak na ulit. Haaii..Haaaaii...

the diary of anne frank

            Ayun, kanina...nakapagbasa rin ako ng libro, aside from my accounting books! Ansaya talaga! Yeyeyey! Matagal ko na ring gustong mapasok ang mundo ni Anne Frank...at kanina nga, nabasa ko na rin ito, habang nagrereport ang mga clasmates ko sa AC353 class *wala si sir Pilapil, kaya pedeng hindi makinig* at habang nagrerecite ang mga kaklase sa LW211 *tapos na kasi ako last week pa! Impressed nga si Sir Arandia e! ;)*. Ang aking hatol...Medyo nakakatamad ang plot, *hrmmm...plot nga bang maituturing? e diary un, hindi nya intention na ipabasa sa iba..* pero marami namang parts na natuwa ako sa kababawan ng isang teenager at naantig din ang aking puso sa lalim ng kaniyang pag-iisip.
            Habang nibabasa ko nga yun, naalala ko yung movie ni Steven Spilberg na 
Schindler's List. Nakuuu...sobwa ang niiyak ko sa movieng yan. At ganun din siguro ang aking magiging reaksyon kung natapos ko ang book na un, nasa climax pa naman na ako. Haaaii..nakakalunkot dahil uwian na at nikuha na ng aking clasmate na si Joanne, nihiram lang din nya kasi un. *Ep. wak ka na malunkot. Marami namang sites na nag-ooffer ng synopsis nun, may review pa! I-search mo na lang mamaya..Hehe;)*


rfyuna flapped her wings at 09:45 pm
(2) rain drops  

Wednesday, July 20, 2005
Humanda! Kakaibang Entry Ito!


 HuuuUuwaaAa!!! Halimaw! champ!

            Minsan talaga sa buhay natin, may mga bagay tayung gustong gawin. Gaya ngayun, gusto ko maglagay ng pic ko dito...at kasama pa si Champ! Nyahaha! Wala na kayung magagawa..at wala ng makakapigil...dahil napost ko na!!! Nyehehe. Yun lang. Marami pa akong gagawin. Nyuknyuknyuk;)

   
         Nga pala, bago ko i-shutdown 'tong pc, may nais pa akong sabihin. Isa sa mga gusto kong magawa bago man lang sana ako magtwenty...*actually, plano ko 'to nung 18th bday ko, kaso nung may pagkakataon na, hindi pa ko nipayagan. hrmf!*... ay ang magdonate ng dugo...at magtanim ng puno. Oo. Gusto ko talaga. Eka nga...nagawa ko sa blog ko yung gusto kong gawin ngayun..so, someday, somehow...magagawa ko rin ito. Yesss! Sana nga magawa ko...;)


rfyuna flapped her wings at 05:19 pm
(10) rain drops  

Monday, July 18, 2005
You'll Cry. You're Gonna Cry. You Always Cry, See? You're Crying..


Memories Are Nice But That's All They Are... - Rikku

It's not that you're dreaming. You are a dream. Maybe you are the dream that will end our dreaming at last. -Fayth, Final Fantasy X

Life is but a passing dream, but the death that follows is eternal. -Seymour

"A city destroyed a thousand years ago. I thought I had wanted to see it for myself. The goal of Yuna's journey. And the final chapter of my story... All sorts of feelings flooded me... and I pushed them down. It was more than words could describe..." -Tidus, Final Fantasy X

I want my journey to be full of laughter... -Yuna
          
 "Everyone...everyone has lost something precious. Everyone here has lost homes, dreams, and friends. Everybody... Now, Sin is finally dead. Now, Spira is ours again. Working together... Now we can make new homes for ourselves, and new dreams. Although I know the journey will be hard, we have lots of time. Together, we will rebuild Spira. The road is ahead of us, so let's start out today. Just, one more thing... The people and the friends that we have lost, or the dreams that have faded... Never forget them." - Yuna, in her ending speech. 



rfyuna flapped her wings at 08:57 am
(2) rain drops  

Saturday, July 16, 2005
Nais Kong Magsalita ng Purong Tagalog, Anhirap Pala...

            Wala ako sa kondisyon para magtype. Matagal na rin ang panahon na nagugol sa pagharap sa monitor, at nakahanda na ang aking mga daliri sa pagtipa sa keyboard..ngunit heto, wala pa rin akong maisip na makabuluhang masasabi. Ni wala man lamang importanteng impormasyon na maibahagi. Haaai... Ako ay parasito sa mga bagaybagay na mababasa sa mga blogs ng mga tao sa mundo..at data na matatagpuan sa sites sa malaking mundo ng web. Wala na akong ginawa kundi magbasa dito, magbasa doon..at minsan pa ay naiinggit sa bawat entry/post na nagsasabing mayroon na daw silang personal na kopya ng HP6.
            Ayun. Andito ako..nagugutom at walang maisip na maisusulat. At sana, bago ko tuldukan ang huling pangungusap na ito ay may napala ka naman sa aking mga ibinahagi.


rfyuna flapped her wings at 06:29 pm
(2) rain drops  

Friday, July 15, 2005
Espesyal na Entry Para sa Isang Kaibigan..

            Hindi dapat ito ang entry ko ngayun..ikukwento ko sana ang adventures naming magkakaklase sa pag-a-iceskates nung isang araw. Pero isang entry ang nagpaligaligalig ng aking buhay..naiyak talaga ako. Makapaghihintay ang kwento *ep, marami pa namang araw para gawin yon..* ..ngunit ang mga bagay na dapat kong sabihin ngayun ay kailangan nyang malaman.

            Minsan naiinis ako pag nilalagyan ng kulay ang pagiging magkaibigan namin. E sa totoo naman, walang dapat isipin na kakaiba dun. Magkaibigan kame...bestfriend ko sya, bestfriend nya ko. *stop! breathe then medidate...ahmmm...ahmmm..* Ah alam ko na! Nagkataon kasi na maiksi ang buhok nya at mayroon syang bigote, di gaya ko na mahaba ang buhok at nagsusuot ng skirt...kaya akala nila e meron nang kakaibang niluluto sa pagitan namin. *Nakow! Ang kultura talaga ng Pilipinas!* Ang totoo, alam ko ang malaking pagkakaiba sa pakiramdam kapag ang kasama mo ay ang iyung kaibigan at ka-i-bi-gan. *Eherm...Eherm...*  Magkaiba..magkaibang magkaiba.

            Bez, ang mga bagay na pinagdadaanan mo ngayun ay mga pagsubok lamang *Shucks...anlalim a!*. Sa dami ng mga tao sa mundo, hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan. Pero hindi ko naman sinasabi na baliwalain mo yan...ang sa akin lang naman po, solusyon ang dapat mong pagtuunan ng pansin...hindi ang hayaan na kainin ng emosyon ang right mind mo. Walang mangyayari kung tatakasan mo lagi ang prublema...wala. Kaya simulan mo ng ayusin ang lahat..hindi man maging pabor sa 'yo ang mangyayari, e ano?, tuloy pa rin ang buhay. Hindi titigil ang pag-ikot ng mundo dahil malunkot ka. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral at ang 2 babaeng mahalaga sa buhay mo..

            Ang entry na 'to ay para sa yo...akala mo ang lahat sa iyung buhay ay isang malaking pagkakamali...hindi
chris..hindi. Mayroon ka pang hindi nakikita. At kapag dumating ang araw na iyon, tunay na ngiti ang masisilayan sa iyung mukha. *Pohtah. Umiiyak ako...  Basta wak mong kakalimutan na manlibre ha!?!*

            At ngayun, gusto kong magpasalamat sa iyo. Sa maikling panahon na nakilala kita..marami ka ng nagawa sa buhay ko. Hindi mo man siguro napapansin, pero ang mga pinagsamahan natin ay labis kong ikinatutuwa. Ang mga kwento ay lagi kong maaalala at ang mga lihim ay aking itatago. Nakita ko ang isang kuya, na hindi ako nagkaroon, sa iyung katauhan..*kahit na mas matanda ako ng ilang buwan*..salamat sa mga ngiti at luha, kuya. *syet, grabeee na impluwensya mo!*

            Hindi ko masabi sayo ang lahat ng 'to sa personal *ansagwa naman kasi diba? magdrama daw ba ang lolah mo!* kaya dito ko na lang pinadaan..kasi kailangan mo talaga na malaman, dat a friend matter to me. *naks!* Sana mabasa mo..(++,)


            
*ana, hiniram ko muna ung title mo ha..pasenxa na...wala akong maisip na ibang title e. peace. next time, gagawa ako ng entry, "ana" ang pamagat para nmn makabawi ako sayu;)


rfyuna flapped her wings at 11:21 am
(4) rain drops  


Previous Page Next Page


   

Image hosted by Photobucket.com
rf

19. BS Accountancy-PUP Mla. Muntinlupa City, Philippines

Rf… A charming little girl, who makes other people’s lives (ehem…even animals!) a disaster. Yep...I am smart but oftentimes, stupid. I am also a self-declared fashionista, however, act like a crappy celebrity. I am the conservative type but transform into a crazy creature during full moon..

I am an economist and a nature lover, but I do not like obeying government laws. I am a talented woman, with cleverly humorous thoughts, yet most of the times, I just speak of senseless things. I can be your sweet and compassionate friend, well… I can also be your worst nightmare.

I am a package you’ll definitely love (..or hate.. haha!). Hmm.. What more can I say? I'm just a little bit of everything all rolled into one.

New Page 1

rf
abbssinianangel
adrian
ailen
ate apol
ate lex
ana
basilisk
chwis
emankulit
emptyheart
loyd
phoj
tiamy
vhi

~craves!!!~

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

you are my visitor: Free Web Site Counters
Free Web Site Counters

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:
 

<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:
 
rss feed


Graphics by Katalog Anime

BLOGDRIVE
TEMPLATES